Nagpaabot ng pagbati kay House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at incoming Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa kasagsagan ito ng oath-taking ni Romualdez bilang re-elected Congressman ng Leyte 1st District.
Naganap ang oath-taking ceremony sa Remedios T. Romualdez Medical Foundation Gymnasium sa calanipawan road, tacloban kung saan personal na dumalo si Duterte-Carpio na party-mate ni Romualdez sa Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD).
Ayon kay Duterte-Carpio, malaki ang naitulong ni Romualdez bilang kaniyang campaign manager dahil aabot sa 32.2 milyong pilipino ang bumoto sa kanya.
Samantala, binati naman ni BBM ang lahat ng officers at opisyal na nag-oath taking at sinabing looking forward siyang makasama ang mga ito sa trabaho.