Kinumpirma ng Partido Federal ng Pilipinas na “final and executory” na ang 1999 ruling ng Supreme Court sa Estate Tax ng pamilya ng kanilang presidential candidate na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Gayunman, nilinaw ni Atty. George Briones, General Counsel ng Partido na 23 billion pesos lamang ang halaga ng Estate Tax sa halip na 203 billion pesos.
Ayon kay Briones, “subject for reconciliation” pa at hindi pa pinal ang ruling sa penalties at surcharges na lumobo sa 180 billion pesos sa nakalipas na ilang taon.
Bagaman walang pangalanang binanggit, magugunitang kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Internal Revenue sa hindi pa nasisingil na Estate Tax ng isang indibidwal o pamilya.
Ito’y upang magamit bilang karagdagang pondo para sa mga proyekto ng gobyerno.