Pinapapalitan ni dating Senador Bongbong Marcos ang nilalaman ng mga history books hinggil sa kanilang pamilya.
Ayon kay Marcos, pinatunayan ng mga naipanalo nilang kaso na mali ang mga akusasyon laban sa kanila.
Aniya, walang ebidensiya at hindi totoo ang mga sinasabing ninakaw ng kanilang pamilya mula sa kaban ng bayan batay na rin sa desisyon ng Korte.
Dagdag ni Marcos, ilang taon nang kinakaladkad ang kanilang pamilya sa mga kasong wala namang ebidensiya dahil sa mga propaganda.
Bunsod nito, iginiit ng dating senador na mali ang mga itinuturo sa mga kabataan.
Magugunitang, limang kasong may kaugnayan sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos ang ibinasura ng Korte noong nakaraang taon.