Walang planong tumakbo sa 2019 elections si dating Senador Bongbong Marcos.
Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, isa sa mga abogado ni Marcos na walang plano ang dating senador na abandonahin ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Rodriguez, posibleng iapela nila ang pasya ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na gamitin ang election returns sa recount at paggamit sa decrypted images ng mga nabasang balota.
Binigyang diin ni Rodriguez na bahagi ng kanilang protesta ang pagkuwestyon sa mga ginamit na makina sa eleksyon kayat hindi tama na gamitin ang mga election returns at decrypted images na nagmula rin sa kinikuwestyong mga makina.
“This is by far the farthest election protest for vice president, walang natuloy, walang natapos, walang nagsimula, hanggang nag-file lang, ito pong atin ay hindi tayo natigil sa pagfa-file, umabot tayo hanggang ngayon manual recount and judicial revision at malapit nang matapos ang pangatlong pilot province at isususmite na po natin sa Tribunal ang mga ebidensyang nakalap, pati ‘yung report ng revision committee upang ma-appreciate ng korte ang mga ebidensyang ihahain sa harap nila.” Ani Rodriguez
(Balitang Todong Lakas Interview)