Dapat pamunuan ng Philippine International Trading Corp., (PITC) ang procurement sa COVID-19 vaccine na gagamitin sa bansa.
Ani Senadora Imee Marcos, PITC ang dapat na mamuno sa gagawing procurement lalo’t nababalot ng kontrobersya ang PhilHealth at Department Of Health.
Sang-ayon sa Goverment Owned or Controlled Corporation (GOCC), mandato sa PITC na makilahok sa usaping export at import trading na kadalasang hindi nagagawa ng mga pribadong sektor o kumpanya.
Paliwanag ng senadora, kabisado nito ang mandato ng PITC, lalo’t tinataag ito ng kanyang ama habang namumuno pa sa bansa para aniya sa ‘communist trade’.
Kung saan ginagamit noong mga panahong hindi pa ani Marcos kumpleto ang diplomatic ties ng bansa.
Nauna rito, pinabubuwag na ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang PITC dahil sa kwestyonableng paggarahe ng higit sa P33-B pondo mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Sa huli, pinabulaanan ng pamunuan ng PITC ang alegasyong nagsisilbi silang ‘parking lot’ o garahe ng mga hindi nagamit na pondo.