Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagsisibili ring kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang ahensya na pabilisin ang importasyon ng libo-libong metrikong tonelada ng asukal.
Ito ay para mapanatili ang mababang presyo ng produkto at matugunan ang mataas na inflation rate.
Sa ilalim ng DA memorandum order no. 77, series of 2022, na nilagdaan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban kahapon, Disyembre 20, 2022, ipinatawag ang minimum access volume advisory council para sa pag-aangkat ng 64,050 metric tons ng refined sugar.
Ang MAV ay tumutukoy sa volume o bilang ng specific agricultural product na inaangkat na may mababang taripa.