Nangangalap ng 31 bilyon piso ang administrasyong marcos Jr. para sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMF) fund para sa taong 2023.
Batay sa National Expenditure Program 2023, gagamitin ang pondo para sa aid, relief at rehabilitation services ng mga komunidad na apektado ng human-induced at natural calamities.
Kabilang din dito ang repair at reconstruction ng mga permanenteng imprastraktura, kabilang na ang ibang capital expenditures para sa disaster operation at rehabilitation activities.
Maaaring ikonsidera ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung ito ay sasailalim sa pag-apruba ng pangulo para sa mga lokal na kalamidad o ng angkop na ahensya para sa international crises.
Mababatid na sa ilalim ng expenditure program ay magkakaroon ng karagdagang pagkukunan ng pondo ang pamahalaan para sa quick response fund ng implementing agency. – sa panulat ni Hanhah Oledan