Kinumpirma ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na dadalo siya sa inauguration ni Vice President-elect Sara Duterte bukas.
Ayon kay Duterte, nag-confirm sa event organizer nito si Bongbong na pupunta ito sa kaniyang hometown.
Pero hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Duterte ukol dito.
Samantala, una nang nag-commit si President Rodrigo Roa Duterte na dadalo siya sa inagurasyon ng kaniyang anak.