Sampung bus lulan ang mga loyalista ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang bumisita sa puntod nito sa Libingan ng mga Bayani.
Kasunod ito ng pasikretong paglilibing kay Marcos kahapon.
Ayon kay Currimao, Ilocos Norte Barangay Chairman Guillermo Regnon, nagtungo sila sa Libingan upang magbigay ng huling pagrespeto sa dating Pangulo.
Ang kanilang grupo ay unang batch pa lamang mula sa 70 mga bus na inaasahang bibisita sa LNMB.
Sa kabila ng paghihigpit ng seguridad ay pinayagan ding pumasok ang mga loyalista bandang alas-7:20 kaninang umaga.
By Rianne Briones