Muling makatatanggap ng danyos ang nasa pitong libo limang daang (7,500) biktima ng batas militar sa ilalim ng diktaturyang Marcos.
Ayon sa American Human Rights Lawyer na si Robert Swift, magmumula ang nasabing pera sa pinagbentahan ng nabawing mga paintings at ari-arian mula sa dating sekretarya ni dating First Lady Imelda Marcos na si Vilma Bautista.
Kabilang naman ito sa matagumpay na class suit laban sa pamilyang Marcos sa Hawaii.
Aabot aniya sa 13.75 million dollars ang kabuuang halaga ng paghahatian ng mga biktima ng batas militar.
Sinabi ni Swift, posibleng masimulan na ang pamamahagi ng danyos sa Mayo 1 na tatagal naman ng siyam na linggo.
—-