Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa publiko na magpaturok na ng booster shot bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.
Binigyang diin ng punong ehekutibo na ang bakuna ang tanging panlaban sa nakahahawang sakit.
Nitong lunes ay dumalo si Pangulong Marcos sa paglulunsad ng programang ”Pinas Lakas” sa Pasig City, na layong mabigyan ng booster dose ang 23.8 million filipinos sa unang isangdaang araw ng Marcos administration.
”Kaya’t kayo na nandito na magpapa-booster na ay hikayatin ninyo ‘yung mga kasamahan ninyo, ‘yung pamilya ninyo lahat, sabihin ninyo lahat na magpa-booster na para hindi niyo na kailangan alalahanin itong COVID na ito para masasabi natin dito sa Pilipinas ay tapos na,’’ pahayag ni Pangulong Marcos.