Isang malinaw na may pagtatangka na pagtakpan ang kapalpakan nina Pangulong Benigno Aquino III at dating PNP Chief Alan Purisima sa paglutang ng bagong impormasyon kaugnay sa Mamasapano encounter.
Ito ang inihayag ni Senador Bongbong Marcos makaraang ipagtaka ang biglang pag-amin ni Pangulong Aquino sa naturang issue.
Nakalulungkot lamang aniya na ginagawan pa ng kuwento ang pagsasakripisyo at kabayanihan ng SAF 44.
Hindi na aniya dapat maging issue kung sino ang pumatay sa international terrorist na si Marwan at ang importante ay nabawasan ang banta ng mga terorista sa bansa subalit nakadidismaya na mismong ang Pangulo ang nagdududa sa pagbubuwis ng buhay ng mga SAF commando.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)