Nakipagkita na ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa mga pangunahing opisyal ng United Kingdom at Japan gayundin sa iba pang economic leaders.
Kabilang sa mga nakausap ng pangulo ..bilang sideline sa kanyang pagdalo sa United Nations General Assembly sa New York, USA sina dating UK Prime Minister Anthony Charles Lynton Blair, Executive Chain ng Tony Blair Institute for Global Change.
Ayon sa pangulo, napag-usapan nila ni Blair ang aniya’y optimistic peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at tinutukan ang mga hakbangin para tugunan ang mga pangunahing usapin sa global economy tulad ng food security, climate action at trade.
Bukod kay Blair, nakipagpulong din si PBBM kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida kung saan tinalakay nila ang pagpapalakas ng kooperasyon sa priority areas para sa kanyang administrasyon tulad ng agrikultura, enerhiya, kalusugan at imprastruktura.
Ipinabatid naman ni Japanese Foreign Ministry Press Secretary Hikariko Ono ang ipinaabot ni Kishida na suporta ng Japanese government para sa minimithi ng Marcos Jr. administration na gawing upper middle income country ang Pilipinas sa 2023.