Nanguna si Senador Bongbong Marcos sa pinakabagong vice presidential survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.
Tumaas ng isang porsyento at tuluyang lumayo si Marcos sa mga katunggali nito sa pagkabise-presidente makaraang makakuha ito ng 28 percent.
Umangat naman sa pangalawang pwesto si Camarines Sur Representative Leni Robredo na nakakuha ng 22 percent.
Statistically tied naman sila ni Senador Chiz Escudero na may 21 percent.
Sa naturang survey, lumalabas na bumaba ng isang porsyento si Escudero.
Si Senador Alan Peter Cayetano naman ay tumaas ng isang porsyento na kasalukuyang mayroong 15 percent rating.
Nananatili namang sa huli sina Senador Gringo Honasan at Senador Antonio Trillanes IV na may tig-5 at 4 percent na rating.
Ang naturang survey ay isinagawa sa may 4,000 respondents.
By Ralph Obina