Inihayag ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na naniniwala silang nagkamali ang Presidential Electorial Tribunal (PET) sa pagbasura nito sa kanyang electoral protest laban sa Vice President Leni Robredo.
Sang-ayon sa 95 pages na mosyon sa Korte Suprema, inihayag ni marcos na isinakripisyo ang kanyang karapatang na ginagarantiyahan naman ng saligang batas ng bansa.
Kung kaya’t hiling ni marcos na baliktarin ng PET ang nauna nitong desisyon na ibasura ang kanyang inihayang electoral protest.
Paliwanag ni Marcos na dapat lang na magpatuloy ang pagdinig sa kanyang protesta dahil hindi pwedeng mabalewala ang ang higit sa 14 na milyong Pilipino na mga bumoto pabor sa kanya.
Magugunitang noong Pebrero nang pagdesisyunan ng mayorya ng mga mahistrado na ibasura ang protesta ni marcos laban kay Robredo.