Ibinasura ng Korte Suprema, na syang nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET), ang inihaing electoral protest ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay kaugnay sa resulta ng naging halalan noong taong 2016.
Ayon kay Supreme Court spokesperson Brian Hosaka, ‘unanimous’ ang naging boto ng korte hinggil dito.
BASAHIN: Opisyal na pahayag ng SCPIO hinggil sa pagbasura nito sa Marcos-Robredo electoral protest https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/aBVyURdIiB
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 16, 2021
Magugunitang Mayo ng taong 2016 nang matalo si Marcos ng 263,472 na boto laban kay Robredo na resulta aniya ng pandaraya. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)