Hinimok ni Vice Presidential candidate at Senador Bongbong Marcos ang mga botante na huwag iboto ang mga pulitikong kontra sa pagkakaisa ng bansa.
Ayon kay Marcos, kaya patuloy na nabibigo ang bansa sa pagsulong ay dahil sa sobrang pamumulitika ng mga nasa kapangyarihan.
Hindi aniya matatamo ng bansa ang katatagan kung puno aniya ito ng mga pulitiko na walang ibang ginawa kundi paghati-hatiin ang bansa para sa pansariling interes.
Naniniwala ang senadora na masipag, tapat at magagaling ang mga Filipino kaya naman kailangan nitong magkaisa para matamo ang tunay na pagsulong ng bayan.
By: Jaymark Dagala