Handa namang tanggapin ni dating Senador Bongbong Marcos ang anumang posisyong i-alok sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa nakababatang Marcos, itinuturing niyang isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga ikinukonsidera ng Pangulo na manilbihan sa taumbayan.
Subalit nilinaw ni Marcos na pag-aaralan muna ng kaniyang mga abogado kung may epekto sa inihain nilang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo sakaling tanggapin niya ang nasabing alok ng Pangulo.
Kasunod nito, muling iginiit ni Marcos na buo pa rin ang kaniyang paniniwala na siya ang nanalo bilang Pangalawang Pangulo ng bansa noong nakalipas na pampanguluhang halalan.
By Jaymark Dagala