Pamilya Marcos at hindi gobyerno ang ayaw magbayad ng kumpensasyon sa mga biktima nang paglabag sa karapatang pantao noong Rehimeng Marcos.
Binigyang diin ito ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) bilang pagkontra sa naging pahayag ni Senador Bongbong Marcos na ang pamahalaan ang ayaw magbayad ng kumpensasyon sa Martial Law victims.
Ayon naman kay dating PCGG Chairman Ruben Carranza, hindi pa naibibigay sa 10,000 biktima ang halos 2 bilyong dolyar na ipinag-utos ng US court na bayaran ng Marcoses.
Dahil dito, sinabi ni Carranza na pinatawan ng contempt ng US Court of Appeals for 9th Circuit sina Senador Marcos at inang si Imelda.
By Judith Larino