Posibleng umabot sa 50 hanggang 70 milyon na Pilipino ang marerehistro hanggang Disyembre sa Philippine Identification System o PhilSys, na kilala rin bilang national ID.
Ito, ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, ay kung patuloy na luluwag ang quarantine restrictions.
Sa pagdinig ng Senado sa proposed 2022 budget ng NEDA at attached agencies nito,inihayag ni Chua na as of Oktubre 8, nasa 43.2 milyon na ang rehistrado sa step 1 ng national ID system.
Aabot naman sa 35.9 milyon ang nakatapos na sa step 2 kung saan kinunan na sila ng biometrics habang sa susunod na taon, 22 milyon pa ang target na idagdag sa mga nakarehistro sa PhilSys bukod sa 5 milyon OFWs.
Kasama rin sa plano ang pagpapalabas ng 37 milyon ID cards habang sa susunod na taon din anya sisimulan na ang paggamit ng mobile ID at iba pang digital credentials.—sa panulat ni Drew Nacino