Tinanggalan na ng lisensya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB office ang aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez dahil sa paggamit ng special lane na ini – reserba para sa ASEAN delegates.
Sa loob ng dalawang taon ay diskwalipikado si Lopez na mag – aplay para sa driver’s license.
Bukod sa revocation ng lisensya, pinagmumulta din ang aktres ng P1,000.00 dahil sa pagbaliwala sa traffic signs, P2,000.00 para sa reckless driving, P5,000.00 para sa paglabag sa Anti – Distracted Driving Act.
Magugunitang nag – viral sa Facebook ang video ng pagpasok sa ASEAN special lane ng 55 – anyos na dating beauty queen na umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.
Resolution on Miss Isabel Lopez:
License Revoked, Prohibited from applying and reacquiring license for the next 2 years and penalty for the 3 traffic violations (ADDA, DTS and reckless driving) amounting to 8,000 | (Courtesy: LTFRB Spokesperson Aileen Lizada) pic.twitter.com/a2PmHIzyCO— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 27, 2017