Nagpahayag ng pagka-dismaya ang dating Japanese porn star na si Maria Ozawa makaraang ipakalat umano ang kanyang personal number ng drayber ng sinakyan niyang transport network vehicle.
Ayon sa una nitong post sa social media, sinabi niya na mahal niya ang Pilipinas ngunit kinuwestyun nito ang aniya’y pagiging ‘so unprofessional’ ng mga tao.
Dagdag pa niya ang mga katagang, ‘This country is seriously lacking with professionalism’.
Kwento ni Ozawa, isang nagpakilalang ‘Ben’ ang nag-text sa kanya at nagpahayag ng interes.
Nakuha umano ni Ben ang number ni Ozawa sa isang drayber.
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post ni Ozawa.
Pinayuhan ng ilang netizens ang dating adult video star na dapat ay itinago na lamang niya ang kanyang tunay na katuhan para makaiwas sa atensyon ng publiko.
Sagot naman ni Ozawa, ibang pangalan ang kanyang ginamit sa kanyang profile.
Samantala, sa huling post na ibinahagi ni Ozawa, napag-alaman ng pamunuan ng sinakyan niyang transport network vehicle na mismong ang drayber ang nag-text sa kanya na siyang muli niyang ikinadismaya.
Hiniling din aniya sa kanya ng naturang pamunuan na burahin ang kanyang naunang post.
Sa huli, binigyang-diin ni Ozawa na dapat isabuhay ang pagiging propesyunal sa trabaho.