Nagpasok ng not guilty plea si Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa sa kasong paglabag sa anti-dummy law.
Kasunod na rin ito nang isinagawang arraignment kay Ressa sa Pasig RTC.
Una nang naghain din ng not guilty plea ang limang kapwa akusado ni Ressa na kinabibilangan nina Rappler Editor Glenda Gloria at board members Manuel Ayala, Felicia Atienza, Nico Jose Nolledo at James Velasquez.
Hindi pa namang nababasahan ng sakdal ang isa pang board member na si James Bitanga.
Nag-ugat ang kaso laban sa mga nasabing opisyal ng Rappler sa umano’y pagpayag sa Omidyar Network Fund para makapanghimasok sa operasyon ng online news site sa pamamagitan nang pag-iisyu ng Philippine Depository Receipts sa nasabing foreign investment firm nuong 2015.
Una nang binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation ng Rappler dahil nilabag umano nito ang probisyon sa konstitusyon sa usapin ng foreign ownership ng media.