Nakapagpiyansa na si Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa makaraang arestuhin sa umano’y kasong paglabag sa anti-dummy law.
Pinalaya si Ressa ng Pasig City Regional Trial Court Branch 265 matapos itong magpiyansa ng halagang P90,000.
Inaresto si Ressa ng mga otoridad dakong alasyete kaninang umaga pagkalabas pa lamang nito ng arrival gate ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa umano’y pagsuway nito at ng iba pang executives ng Rappler sa itinatakda ng konstitusyon sa foreign ownership.
Samantala, ito na ang ika-pitong beses na paglalagak ni Ressa ng piyansa para sa mga kasong isinampa laban sa kanya.