Binigyang pagkilala ng Stanford University si Rappler Co-founder – CEO Maria Ressa.
Ginawaran si Ressa ng 2019 Shorenstein Journalism Award para sa mahahalagang kontribusyon nito para sa mas malawak na makilala ang Asya sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nitong pag-uulat sa mahahalagang usapin sa rehiyon.
Ayon sa unibersidad, matatanggap ni Ressa ang pagkilala sa isang seremonya na gagawin sa ikatlong bahagi ng taon.
Makakasama na ni Ressa ang mga naunang binigyan ng parangal na sila Anna Fifield, Beijing Bureau Chief ng Washington Post at Siddharth Varadarajan, founding editor ng Wire.
Magugunitang noong nakaraang buwan nakatanggap din si Ressa ng 2019 Columbia Journalism Award dahil sa malalim at kalidad na kanyang pagtatrabaho.