Nanguna sa listahan ng Highest Earning Female Athlete ng Forbes ang tennis darling na si Maria Sharapova.
Ito na ang ika-labing isang sunod na taon ng Russian tennis star na pangunahan ang naturang talaan.
Ang 28-anyos na si Sharapova na nagkampeon sa French Open noong nakaraang taon ay mayroong kitang papalo sa mahigit 29 na milyong dolyar.
Pumangalawa lamang kay Sharapova ang World Number One na si Serena Williams na may kabuuang kitang nasa mahigit 24 na milyong dolyar habang pumangatlo naman ang motor racing driver na si Danica Patrick na may mahigit 13 milyong dolyar na kita.
By Ralph Obina