Laglag na sa unang round pa lamang ng Stuttgart Grand Prix si Russian tennis star Maria Sharapova.
Ito ay matapos siyang daigin ng French sixth seed na si Caroline Garcia sa iskor na 3-6, 7-6 at 6-4.
Ayon kay Sharapova, hindi niya inaasahan ang resulta ng laban lalo’t ramdam niyang handa at malakas siya sa naturang laro.
Ito ang unang laro ni Sharapova para sa Stuttgard Grand Prix matapos ang labing limang (15) buwan niyang suspensyon dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na substance.
—-