Pinaghahanap na ang Pinay transgender na si Maria Sofia Sanchez matapos kumalat ang video nito sa social media hinggil sa ginawa niyang pambabastos sa pambansang awit ng Pilipinas.
Ayon kay Teodoro Atienza, Chief Heraldry and Display Section ng NHCP o National Historical Commission of the Philippines, maituturing na kawalang respeto sa kultura ng bansa ang ginawang ito ng Pinay transgender.
Inirekomenda na rin nila aniya sa DFA o Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni Sanchez at ilagay sa “blacklist” ng Bureau of Immigration para hindi na makapasok ng bansa.
Posibleng maharap sa isang taong pagkakakulong at pagmultahin ng P20,000 si Sofia dahil sa ginawa nitong pambabastos sa national anthem sa bansa.
—-