Ibinunyag ni pop singer Mariah Carey ang dinaranas na bipolar disorder.
Sinabi ni Mariah na na-diagnose siya ng bipolar disorder noong 2001 subalit nito lamang siya nagsimulang maggamot para sa naturang sakit.
Na-diagnose aniya siya sa bipolar disorder matapos siyang ma ospital kasunod ng isang emotional at physical breakdown noong mga panahong ipinapalabas ang pelikula niyang Glitter noong 2001.
Inamin ni Mariah na ayaw niyang maniwalang isa siyang bipolar at inakala niyang mayroon lamang siyang severe sleep disorder at kailan lamang pumayag na magpagamot.
Ayon pa kay Mariah, labis niyang dinamdam ang karamdaman at tinulungan siya ng kaniyang mga mahal sa buhay para mamuhay muli ng normal at gawin ang nakapagpapasaya sa kaniya – ang pagsusulat ng kanta at paggawa ng musika.
—-