Gumawa ng kasaysayan sa music industry si pop diva Mariah Carey.
Kasunod na rin ito nang pagkakadeklara kay Carey bilang unang artist na mag-top o manguna sa billboard charts sa apat na dekada dahil sa kaniyang classic holiday song.
Ang awitin ni Carey na All I Want for Christmas is You ay numero uno sa Billboard Hot 100 sa buong linggo –base na rin sa sales, radio airplay at streaming data at nasa ikatlong linggo na bukod pa sa ranking nito.
Nangangahulugan itong si Carey ang tanging mayroong number one single sa 1990’s, 2000’s, 2010’s at 2020’s.
Ang nasabing Christmas song ni Carey ay unang inilabas noong 1994 at sumikat pa matapos maging soundtrack ng pelikulang Love, Actually noong 2003.
Sa huling bahagi naman ng 2019 nanguna ang nasabing kanta ni Carey.