Tila isang dream come true para kay Cambodian Prime Minister Hun Sen ang makita at makadaupang palad ang tinaguriang prime time queen na si Marian Rivera.
Ito’y sa ginawang welcome dinner para sa mga ASEAN Heads of State at delegates sa Midori Hotel sa Clark Field, Pampanga nitong Sabado.
Dumalo rin sa nasabing hapunan ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes at nakausap din ito ng naturang ASEAN leader.
Nabatid na mayroong fan base si Marian sa Cambodia dahil ipinalalabas doon ang ilang teleserye nito tulad ng Marimar at Dyesebel na obra ng Kapuso Network.
Magugunitang personal na inimbitahan ng Cambodian Prime Minister si Marian para sa nasabing hapunan, bagay na ikinagulat naman ng aktres.
—-