Nagbago na ng isip si Kapuso primetime queen na si Marian Rivera kaugnay sa unang plano nitong sunod-sunurin ang anak nila ng asawang si Dingdong Dantes.
Ayon kay Marian, gusto muna nilang mag-asawa na ibuhos ang kanilang buong pagmamahal at atensyon kay Baby Zia.
Kapag ma malaki na umano ang kanilang anak at pwede nang maging ate ay saka na lang siya muling magbubuntis.
Samantala, ipinagmalaki ni Marian na super hands on siya pagdating sa kanyang anak.
Sa katunayan wala itong yaya kaya talagang siya ang nakatutok dito.
Araw araw din siya kung kumain ng sabaw na may malunggay dahil pangako ni Marian, magpapa-breastfeed siya sa kanyang anak hangga’t mayroon siyang gatas.
By Rianne Briones