Handa ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes na i-give up ang lahat para lamang sa kaniyang anak na si Maria Letizia.
Sinabi ito ni Marian kasunod ng kaniyang proud na pag-amin na bini-breast feed niya ang anak sa kabila ng komento ng ilan na baka maraming mangyari sa kaniyang boobs.
Aniya, lahat ay gagawin niya kahit na magkaroon pa ito ng epekto sa kaniyang katawan basta’t matiyak lamang na magiging healthy si Baby Letizia.
Samantala, balak ng Kapuso Actress na sundan ang kanilang panganay, dalawang taon pa mula ngayon.
Gusto kasi nila ng mister na si Dingdong na maging maayos yung age gap ng kanilang mga susunod na anak.
By: Allan Francisco