Kinumpirma ni Kapuso primetime queen Marian Rivera na all is well na sa kanila ni Lovi Poe.
Matatandaang nagkasamaan ng loob ang dalawa nang magkasama sa isang pelikula ilang taon na ang nakararaan.
Ayon kay Marian, bagama’t beso lamang ang nangyari sa kanila ni Lovi sa isang event ay malaking bagay daw ito para maibaon na sa limot ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Binigyang diin pa ni Marian na dapat ay talagang wala nang negativity, dapat lahat ay positibo at maganda para sa kanyang pagbubuntis.
By Rianne Briones