Kinumpirma ng aktres na si Marian Rivera na tatakbo sa 2019 elections ang asawang si Dingdong Dantes.
Pinatunayan ni Marian sa harap ng media ang mga ispekulasyon na mayroong political ambitions ang kanyang asawa ngunit sabay din na kinlaro na hindi pa nito alam kung anong partikular na posisyon ang hinahangad ng Kapuso actor sa halalan.
Hindi ko alam kung anong position, pero definitely, yes, tatakbo siya. Pahayag ni Marian
Dagdag pa ni Marian, susuportahan niya ang kanyang asawa sa mga plano nito sa hinaharap. Maghintay na lamang aniya ang publiko para sa opisyal na anunsyo sa pagkandidato nito.
Panget siguro kung sa akin manggagaling. Wala pa kaming usap na one-on-one o heart-to-heart kasi busy siya sa mga pinupuntahan niyang foundation niya. Siya mismo, ilatag niya sa inyo, kung tatakbo ba siya o hindi at kung anong posisyon. Paliwanag ni Marian
Matatandaan na itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission si Dingdong Dantes.