Inamin ni Kapuso primetime queen Marian Rivera ang nararanasang separation anxiety.
Ayon kay Marian, hindi niya maiwasang maiyak pagkatapos ng kanyang taping para sa bagong primetime series niyang “The Good Teacher” dahil sobra niyang nami-miss ang unica hija na si baby Zia.
Sinabi ni Marian na gustong gusto niya ang nasabing soap dahil matagal na niyang pangarap ang maging isang guro.
Kung may pagkakataon aniya ay isinasama na niya sa taping si baby Zia lalo na’t tatlong beses kada linggo ang kanyang taping.
Sa katunayan, kasama ni Marian si Zia sa launch ng isang produktong ini-endorse niya at dito aniya ay hands on pa rin siya sa pagiging nanay dahil gusto aniya niyang ibigay sa kaniyang anak ang hindi niya naranasan.
Magugunitang si Marian ay lumaki sa poder ng kanyang lola dahil nagtrabaho noon sa ibang bansa ang kanyang ina.
By Judith Larino
Marian Rivera nakararanas ng separation anxiety was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882