“Priority ko muna ang anak ko.”
Ito ang dahilan ng aktres na si Marian Rivera kaya ninanais niya munang mag-break sa showbiz.
Aniya sinabi niya sa kanyang management na gusto niyang matutukan ang paglaki ni Zia na ngayo’y mag-iisang taong gulang na.
Sinabi ni Marian na pumayag siyang ma-extend ang kanyang morning show ng 4 na linggo ngunit pagkatapos aniya nito ay magpapahinga muna siya sa showbiz.
“Nag-extend ako ng four weeks pero after nun sabi ko, ire-rest ko na muna kasi ang hirap magka-soap. Lumalaki kasi ‘yung anak ko. Sa stage na ito, hindi ko kayang iwan. Aalis ako ng bahay, tulog si Zia. Pag-uwi ko, tulog. Ang sakit para sa akin. So sabi ko, palakihin ko muna ‘yung anak ko and then after niyan, doon pwede na ulit sumabak,” Pahayag ni Marian.
Samantala, super thankful naman ang actress-host kay Kris Aquino dahil pumayag itong mag-guest appearance sa kanyang show.
“Para ma-interview ko ang isang Kris Aquino, siyempre malaking karangalan ‘yun para sa show namin at pinagbigyan niya talaga ‘yung hiling ko na, ‘Ninang, mag-guest ka ha?’ Pag-uwing pag-uwi niya, sa akin yata siya nag-first appearance. Thankful kami sa kanya,” Dagdag ni Marian.