Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang hilagang bahagi ng Mariana Island sa Pacific region.
Ayon sa US Geological Survey, nakita ang epicenter ng lindol sa layong dalawang daan labing dalawang (212) kilometro ng Garapan, Saipan.
Unang naitala sa 6.6 magnitude ang lindol pero ibinaba ito ng USGS sa 6.4.
Wala namang napaulat na mga inisyal na pinsalang idinulot ang lindol.
Samantala pinawi naman ng PHIVOLCS ang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng pagtama ng malakas na lindol sa Mariana Islands.
Ayon sa PHIVOLCS, hindi inaasahang magdudulot ng mapanirang tsunami ang nasabing lindol.
—-