Nananatiling positibo ang mag-asawang sina Maricar Reyes at singer na si Richard Poon kahit hindi parin nabibiyayaan ng sariling anak.
Nabatid na 9 na taon nang nagsasama ang mag-asawa matapos ikasal noong 2013.
Ayon kay Maricar, sinubukan na nilang mag-asawa ang lahat ng paraan para magkaroon ng anak mula pa noong 2nd Anniversary nila, pero hindi parin ito ibinibigay sakanila.
Sinabi ni Maricar na sa katunayan, nagpasuri na rin sila sa doktor at wala namang nakitang problema sa kanilang dalawa.
Nilinaw naman ni Maricar na ‘’at peace” parin sila ni Richard kung saan, kanilang hihintayin ang araw kung kailan sakanila ibibigay ng Panginoon ang kanilang hiling na magkaroon ng sariling anak.