Sumakabilang buhay na si Karapatan Chairperson Amaryllis Hilao-Enriquez.
Ipinost sa Facebook page ni Andrea Enriquez ang pagyao ng kanyang ina kahapon ng tanghali sa Covina, California, USA.
Ayon kay Andrea, nakasama na ng kanyang ina ang kapatid nitong si Liliosa na nasawi nuong martial law.
Binigyang pugay pa ni Andrea ang 68 taong gulang na ina na aniya’y inialay ang kanyang buhay para isulong ang hustisya at karapatang pantao.
2017 nang dalhin ni Andrea sa Amerika ang ina para gamutin sa kanyang parkinsons disease.