Kinilala ni Mariel Rodriguez ang tulong ng kanyang limang (5) kasambahay sa kanyang pagiging ina.
Ngayong Mother’s Day weekend, sa pamamagitan ng kanyang instagram post ay ipinaabot ng TV host ang kanyang pagbati sa mga Yaya na nakasama nya nang sya ay magkaroon ng miscarriage ng ilang beses bago nag buntis.
Aniya, ang kanyang mga Yaya ang syang dumamay sa kanya, tumulong at nagturo sa kanya para maging ina ng kanyang anak na si Maria Isabelle.
Ngunit bago pa man ang sorpresa ni Mariel sa mga ito ay nauna pa silang bumati sa TV Host sa pamamagitan ng isang cake at flowers.
Matatandaang sa Amerika nanganak si Mariel kasama ang ilan sa kanyang mga Yaya matapos na hindi mabigyan ng US visa ang kanyang asawang si Robin Padilla.
By Rianne Briones
Photo Credit: Mariel Rodriguez Instagram Account