Hindi naging madamot ang TV host na si Mariel Rodriguez sa kanyang nag-uumapaw na gatas dahil nagawa nitong mag-donate sa bagong panganak na sanggol ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto.
Nagpasalamat si Rufa Mae dahil agad na nagpadala ng kanyang breastmilk si Mariel nang malaman na nito na wala pang gatas ang komedyante.
Ayon kay Rufa Mae, natulog nang busog ang kanyang anak na si Alexandria dahil ipinadalang gatas ni Mariel na may kasama pang nursing kit.
Hindi nagdalawang-isip si Mariel na magbigay ng gatas dahil noong hindi pa umano siya nag kakaroon nito ay tinulungan naman siya ng kanyang kaibigang si Camille Villar.
Masaya namang inanunsyo ni Rufa Mae na nagkaroon na rin siya ng gatas kaya magagawa na nitong pasusuhin ang kanyang baby.
Naging magkaibigan ang tatlo nang magkasama ang mga ito sa programa ni Willie Revillame na Wil Time Bigtime.
By Rianne Briones