Pahinga muna sa trabaho ang TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Ito ay para mas matutukan ang kanyang pagdadalang-tao.
Aniya nagpapasalamat siya sa kayang TV network (ABS-CBN) na naiintindihan ang kanyang maselang sitwasyon.
“I’ll always be grateful to my ‘It’s Showtime’ family, to my ‘PBB’ family, to ABS-CBN: Thank you so much. You don’t know how much it means to me na naiintindihan nila. I’m fighting for my baby’s life so talagang karee-rin ko muna ito,” Pahayag ni Mariel sa isang interview.
Matatandaang dalawang beses nang nakunan ang soon to be mom noong nakaraang taon.
Sa kanyang ikatlong pagbubuntis ngayon sumasailalim siya sa herapin treatment para sa mas mataas na tiyansang makapagsilang siya ng sanggol.
Una nang sinabi ng asawa nitong si Robin Padilla na ang tuwang nararamdaman ni Mariel sa trabaho ang tumutulong dito para makalimutan ang malulungkot na pangyayari sa kanyang pagbubuntis.
Aniya nakatulong din ang TV projects kay Mariel para mas maging positive ito ngayon.
Photo: Screengrab from mariel padilla/ Instagram