Niyanig ng lindol ang bayan ng Marihatag, sa Surigao del Sur dakong 7:52 kaninang umaga, November 4.
May lakas na 3.8 magnitude ang nasabing pagyanig at namataan ang episentro nito 81 kilometro ng timog silangang bahagi ng Marihatag at may lalim na 35 kilometro.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol at wala namang inaasahang ano mang mga aftershocks.