Inaprubahan na ng Food and Drug Administration sa Thailand na tanggalin sa listahan ng narcotics drugs ang marijuana.
Dahil dito, sa buong bansa sa Asya ang Thailand pa lamang ang kauna-unahang na nag-decriminalize sa Marijuana para gamitin sa medisina at sa industriya.
Gayunman, magiging limitado pa rin ang Thai Cannabis Trade kung saan ipagbabawal pa rin ang recreational use at production ng mahigit 0.2% ng Tetra-Hydro-Cannabinol (THC) na isang psychoactive compound na nagbibigay sa mga gumagamit nito ng high sensation.
Simula kahapon, namahagi na ng isang milyong marijuana ang public health minister ng Thailand sa mga akreditadong pamilihan.