Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na marijuana ang nangungunang ginagamit ng mga drug user sa Pilipinas.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva, ang Locally grown cannabis o Marijuana ay mayroon na ngayong mataas na demand at suplay at hindi na ang shabu na may malaking volume na nakumpiska noong nakalipas na taon at sa lumabas na survey mula sa Dangerous Drugs Board noong 2019.
Sinabi ni Villanueva, bagaman hindi na top of choice ng mga drug user ang shabu, itinuturing pa rin itong pangunahing drug of concern dahil sa mas mapanganib ito sa pag-iisip at pamumuhay ng mga users at may mas malaking kita sa mga drug players.
Nito lamang taong 2021, nasa 83% na ang nakumpiskang iligal na droga ng ahensya na patunay ng pagsusumikap ng mga tauhan ng PDEA at iba pang ahensya ng gobyerno. —sa panulat ni Angelica Doctolero