Nanindigan ang liderato ng Philippine National Police(PNP), na hindi nito tatantanan ang pagsira sa lahat ng mga plantasyon ng marijuana sa Cordillera Region.
Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, pinatitiyak niyang mabubunot ng buo ang marijuana sa mga lugar kung saan madalas itong nakukumpiska para hindi na ito ulit tumubo.
Nauna rito, pinuna ng mga lokal na mamamahayag sa rehiyon na tila’y paulit-ulit lamang ang mga lugar na tukoy na bilang plantasyon ng marijuana na sinasalakay ng pulisya.
Kasunod nito, inatasan na ng PNP Chief ang kanilang mga Local Police Commanders na balik-balikan ang mga lugar na siyang kilalang marijuana plantations para tiyaking wala nang marijuana ang tumutubo roon. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)