Hindi na papayag ang mga Marikenio na muling madaya sa May 2022 elections si presidentiable front runner Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr.
Hindi kami papayag na dayain ka, ang mga katagang umalingawngaw sa paligid ng Riverbanks sa Marikina City kung saan idinaos ang grand rally ng BBM-SARA Uniteam na dinumog ng libu-libong supporters ng mga nangungunang presidential at vice presidential candidates.
Alas singko pa lamang ng madaling araw ay lumusob na sa Riverbanks ang maraming Marikenio, bitbit ang kanilang mga placard na nagpapahayag ng suporta sa BBM-SARA Uniteam.
Hindi natinag ng malakas na ulan ang mga Marikenio sa paghihintay kina Marcos at Duterte at tila may magic ang dating senador na ikinamamangha ng mga naruon sa grand rally.
Patuloy din ang sigaw ng mga marikenio ng mga salitang: BBM, may nanalo na!, Marcos pa rin, panalo ka na!