Patuloy na minomonitor ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang pagsasaayos ng DPWH-NCR matapos makitaan ng mga bitak sa ilang bahagi ng Marikina Bridge.
Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro na tinitiyak ang kaligtasan ng iba pang istruktura sa paligid ng nabanggit na tulay.
Sinabi ni Teodoro sa DWIZ, na dapat may managot sa 30 metrong bitak sa bukana ng tulay na dulot ng drainage project.
Hindi naman anya papayagan ang mga mabibigat na trak dahil may ang capacity nito ay nasa 20 tons lamang.
Na dapat ay 24 oras nilang paggawa para agaran ay matapos iyong repair works, application works, ang tinitingnan ko din ay iyong daloy ng trapiko, napakakritikal nitong tulay na ito, 20,000 sasakyan sa araw – araw ang nadaan sa tulay na ito, sa kasalukuyan Señor, eh hindi pinapayagan ang mabibigat na truck dahil kampante sila sa tulay 20,000 lamang pero sa ngayon ay nilimitahan o binawasan ang mga sasakyang dumadaan dito. “
Tinig ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, sa panayam ng DWIZ. - sa panunulat ni Jenniflor Patrolla