Kinakapos na rin ng supply ng COVID-19 vaccine ang Marikina City.
Ito ang inamin ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa gitna ng delay sa pagdating ng mga bakunang inorder ng gobyerno.
Ayon kay Teodoro, bagaman mayroon pa silang bagong dating na stock ng Sinovac, limitado lamang ito sa ilang priority group.
Umaasa naman ang Alkalde na sa mga susunod na linggo ay magiging stable na ang supply bakuna upang maabot ang target na herd immunity.—sa panulat ni Drew Nacino